Saturday, May 10, 2008

Pink car ang gift ni Gerald kay Kim

Isang Ford Lynx na pink ang regalo ni Gerald Anderson kay Kim Chiu nung debut nya last April 26, 08 na ginanap s Glass House sa Marikina City. Hindi sa mismong party binigay ni Gerald ang pink car kundi sa Eastwood nang magyaya ang celebrator dahil ginutom sa misomong party nya. Ang nakakatuwa, walang entertainment media na imbitado raw sa party ni Kim, para raw maiwasan ang intriga, pero minalas naman sila dahil marami kaming kaibigan na nakakita sa kanila sa Eastwood at doon nakita ang brand new car ni Kim na siyang wish niyang magkaroon. Naaliw rin kami dahil parang first time yatang maglabas ng Ford na color pink. Pasadya raw ito ni Gerald which means super espesyal ni Kim kay Gerald. Ang next question, e, kelan sila aamin ng kanilang relasyon? Samantala, on-going na ang taping ng My Girl nina Gerald at Kim, pero ayaw magbigay ng detalye ang production dahil kasama rin sa Maligno ang mag-sweetheart.

No comments: