My Girl Trailer:
http://www.youtube.com/watch?v=vddrlmbLbLs&feature=related
"D ko po kc alam kung panu maglgay ng video d2 eh... pki-comment nman po kung mrunong kau, ohh.. tnx!"
Tuesday, May 13, 2008
Sunday, May 11, 2008
Kim Chiu, flys high with her debut album, "Gwa Ai Di"

Labels:
gwa ai di,
peng yeo,
yue liang dai biao wo de xin
Kimerald: Still the Hottest Teen Loveteam to beat

The two have become so inseparable and compatible as a love team that their fans eventually merged their names into "Kimerald" ala Hollywood couples Ben Affleck and Jennifer Garner ("Bennifer") and Brad Pitt with wife Angelina Jolie ("Brangelina").
"Ayaw po muna namin na magkahiwalay, gusto po namin na kami pa din yung mag-partner," the young actress Chiu told abs-cbnNews.com in an exclusive interview inside the ABS-CBN compound.
"Mas komportable kami sa isat isa, mag-trabaho umarte," Anderson added.
And to prove their strong partnership, two big projects are already lined up for them this first quarter of 2008, including the horror series "Maligno" on ABS-CBN.
The two even shared that they constantly help each other out during tapings, making sure that they are ready when time comes to deliver their lines.
"Okey lang nagtutulungan kami sa mga eksena nagtho-throw lines kami palagi para pagpunta namin sa set ready na kaming dalawa," Chiu said.
Anderson on the other hand bared some details on their working relationship with the rest of the cast, especially with the series lead star Claudine Barretto.
"Okey naman po sila... si Ms. Claudine okey naman po, noong una nakaka-intimidate pero sobrang naging okey din po kaming lahat," Anderson shared.
A few days ago, the new season of Pinoy Big Brother Teen Edition was launched and some say new teen stars will rise from that batch just like Anderson and Chiu did.
The two became the biggest stars of the previous season of PBB Teen Edition and they say they are not worried about possible competition from the new batch.
In the past two years when their "Kimerald" tandem became a hit, they've had two blockbuster movies, a top-rating teleserye, several television shows and countless endorsements, proving that they found their rightful place in showbiz.
Saturday, May 10, 2008
Kim Chiu and Gerald Anderson, ang daming projects ngaung taon!

Gerald Anderson, denies GAY benefactor

Sinabi ni Gerald na wala silang relasyon ni Edgar at lalong hindi siya binigyan ng condo unit nito pero inaming magkapit-bahay sila sa Montgomery Place sa E. Rodriquez, Quezon City dahil ito ang rekomenda na tumira doon.
Ayon kay Gerald, kilala na niya si Edgar simula pa ng sumali siya sa Pinoy Big Brother dahil kaibigan ito ng kanyang manager na si Jun Reyes.
Iginiit ni Gerald, wala namang masama kung may kaibigan siyang 'bading' pero wala siyang aniya wala siyang balak na makipag-relasyon sa mga ito.
Unang na-link si Edgar kina Deither Ocampo at Ahron Villena
Gerald Anderson, ex-girlfriend si 'Shy' na House Player Ng Bayan sa PBB Teen Edition Plus?



Tagalugin ko na para mas madali. Nagkaron daw ng relasyon (as in naging mag-"syota" daw noon ang ating PBB Teen Edition Plus house player na si Shy (Sharleen Farina Runkle) at and former PBB Teen Edition housemate na si Gerald Anderson (Oo, sya nga, kung ka-love team ni Kim Chiu). Anong patunay? Yang malaking PICTURE na yan. Kita mo naka-lips to lips sila?Anyway, gusto ko sana gumawa ng mas mahabang "investigation" para dito pero hindi na kailangan (thank God). Two years ago kasi ay ininterview ng PEP.ph si Gerald Anderson tungkol sa issue ng pagkakaroon nila ng relasyon ni Shy, at tungkol sa mga kumakalat na pictures na to sa Internet noon.Anong nangyari sa interview kay Gerald (anong katotohanan, anong sinabi nya)? Click mo lang yung continue reading para malaman mo, at makita pa ang ibang picture nila ng PBB Teen Edition Plus House Player Shy.
Ang kontrobersiyal na pictures nila ng sinasabing ex-girlfriend niya na si Farina Runkle ang unang tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gerald Anderson kaninang tanghali, December 20, sa pocket press con ng teleseryeng Sana Maulit Muli sa 9501 resto sa ABS-CBN.Si Farina ang girl na katabi, kayakap, at kahalikan ni Gerald sa mga larawan na kumalat sa Internet last week. Ang sabi-sabi ay naging girlfriend ni Gerald si Farina, na kasama sa mga nag-audition sa StarStruck The Next Level ng GMA-7. Napili si Farina sa Top 20 girls, pero hindi na pumasok sa Final 10 girls."Naging close lang po kami nu'ng nagkasama kami sa auditions ng PBB [Pinoy Big Brother] Teen Edition, nu'ng bago ako pumasok sa 'bahay ni Kuya,'" simulang pahayag ni Gerald."Parang papunta pa lang po kami roon [sa boyfriend-girlfriend relationship], pero hindi po naging kami. Siguro, parang MU [mutual understanding] lang... Tapos po, parang medyo nag-iba po siya nu'ng napili ako at siya hindi. Ewan ko po sa kanya kung bakit," bulalas ni Gerald in his signature Tagalog, na may pinaghalong English-Visayan accent.Kung hindi sila naging magsyota e bakit ganu'n ka-sweet ang pictures nila? Magkaibigan lang ba yung nagli-lips-to-lips?"Ay hindi po, hindi po talaga!" mariin niyang tanggi. "Kung naging girlfriend ko po siya, aaminin ko po. Nagulat nga po ako paglabas ko ng bahay ni kuya na may mga pictures na gano'n."Sabi pa ng PBB Teen Edition 2nd runner-up na inila-loveteam ngayon sa grand winner na si Kim Chiu, "Pero okey lang po sa akin. Alam ko naman po ang totoo e."Ang dating ng isyung ‘yon sa marami ay ginagamit lang siya ni Farina para pag-usapan ito at mapansin. Anong comment niya rito?"Gawin niya kung anong gusto niyang gawin, okey lang sa akin. Basta alam ko naman ang totoo e. Alam ko naman na hindi talaga naging kami," bulalas niya.Sa paglabas ni Farina ng mga pictures, sinabi ng 17-year-old Fil-Am bagest, "Parang mali po ‘yon, pero anong magagawa ko e lumabas na, ‘di ba? Pero kahit may pictures po na gano'n, hindi po talaga naging kami. Kung naging ex ko po siya, aaminin ko naman."Ayon kay Gerald ay mga one-and-a-half months silang nagkakilala ni Farina at mga three weeks din silang naging close. Hindi raw siya sanay sa pangalan na Farina dahil ‘Sharleen' daw ang tawag niya rito noon. (Sharleen Farina Runkle ang complete name ni Farina.)Agree ba siya na ginagamit lang siya ni Farina para mapag-usapan ito?"Hindi naman po. Ayoko naman pong sabihin ‘yon. Ewan ko kung anong gusto niyang gawin," sabi ni Gerald.Aniya pa, may nakapagsabi sa kanya na nu'ng nasa loob siya ng PBB house ay doon inilagay ni Farina ang controversial pictures nila sa Friendster account nito.Mula nang pumasok siya hanggang sa makalabas ng bahay ni kuya ay hindi na raw niya nakausap si Farina. At kahit ngayon na may kumalat na ganitong isyu ay wala pa rin daw siyang balak hanapin at kausapin si Farina."Hindi na po. Kasi ayoko na po e. At saka yun nga po, nag-iba na siya. So bakit ko siya kakausapin kung ayaw niya, ‘di ba?" sagot niya."Okey na po ‘yon sa akin. Matagal na po ‘yon e. Nu'ng nasa bahay ni kuya pa ako, pinasok pa ‘yon [pictures] sa loob at ipinakita sa amin, so okey lang," dagdag pa ng binata.Kita sa nasabing larawan na mariin ang pagkakahalik niya sa labi ni Farina at tipong feel na feel niya ang ginagawa nila. At hindi pala siya wholesome, ha?"Hindi po, hindi po ganu'n!" tawa niya, na tipong nagba-blush at nahihiya sa pang-iintriga namin sa kanya."Ako po kasi, ayokong mambastos ng babae. May gusto siya sa akin. Ako rin, gusto ko rin siya noon. Hindi naman ako makikipag-kiss sa girl kung wala akong gusto sa kanya, 'di ba?" hirit niya.So, hanggang kiss lang ba sila?"Opo!" sagot niya, na-shy effect pa rin at payuko-yuko at pailing-iling.Natuwa ba siya na hindi nakapasok sa Final 10 female survivors ng StarStruck The Next Level si Farina?"Hindi naman po. Happy ako sa kanya na nakasali siya roon. Pero hindi naman po ako natutuwa na na-eliminate siya. Okey lang po sa akin. Siguro may dahilan kung bakit siya natanggal or something," sabi ni Gerald.Nang biruin namin ang young actor na baka ngayon ay may bago na naman siyang girlfriend na any moment ay puwedeng maglabas ng intimate pictures nila, mabilis na "Ay, wala po!" ang naging tugon niya."Wala akong girlfriend now. 100% sure po ako! Kung may pictures po ako ulit na lalabas, siguro kahit na anong gusto n'yong gawin sa akin, gawin n'yo na! Pero 100% sure po ako na wala," tila naghahamong sambit pa ni Gerald.
Pink car ang gift ni Gerald kay Kim

Sana Maulit Muli, aired in Taiwan, re-titled as "Chances"

Friday, May 9, 2008
Kim and Gerald, 'di nai-insecure sa bagong batch ng PBB Teen

Sa unang bahagi ng 2008, dalawang proyekto na agad ang nakalinya para sa kanila. Isa na rito ang horror series na Maligno sa ABS-CBN.
Nagsimula na rin ang Pinoy Big Brother Teen Edition. May mga bagong mukha na namang sisikat, pero hindi naman nababahala rito ang pinakamalaking produkto ng unang season na sina Kim at Gerald.
Malayo na rin kasi ang nararating ng love team na ito at napatunayan na nila ang kanilang sarili sa industriya.
Dalawang pelikulang pumatok sa takilya, isang teleseryeng sinubaybayan ng marami, hindi mabilang na TV shows at endorsements ang magpapatunay na may kinalalagyan na ang tambalan nila sa mundo ng showbiz.
Kamakailan lang, ikinatuwa nila nang husto ang pagkakapili sa kanila para gawin ang Pinoy version ng hit Koreanovelang My Girl, na ireremake ng Dos.
“Wala talaga, as in wala akong idea at all. Ipinagdasal ko lang talaga na sana, magkaroon ako ng bagong project. Tapos ayun, nagkatotoo nga ,” masayang wika ni Kim.
Hindi naitago ni Kim ang galak at napaiyak pa sa presscon kung saan napag-alaman niyang siya ang napiling gumanap na bida sa naturang programa.
Pero, bago pa man nila simulan ang My Girl, mapapanood muna sila sa ikalawang pagtatanghal ng Sineserye Presents: The Susan Roces Cinema Collection, ang horror series na Maligno, kasama si Claudine Barretto at Diether Ocampo.
Kakaibang Kim at Gerald ang mapapanood natin sa Maligno dahil seryoso ang mga papel na gagampanan nila rito.
“Challenging ito for us dahil hindi light romance ang kuwento.
“Medyo dark at nakatatakot kaya serious acting rin ang required sa amin ni Kim,” ani Gerald.
Halong kaba at saya ang nararamdaman ni Kim sa paggawa ng proyektong ito, dahil makakasama niya sa eksena ang kanyang idolong si Claudine Barretto.
“Idol ko po talaga si Ms. Claudine. Hanggang ngayon nga ay nai-starstruck pa rin ako sa kanya.
“Kapag kinakausap niya ko hindi ako makasagot. Pero, dream come true po na makasama ko siya sa isang show,” pahayag ng dalaga.
Sa itinatakbo ng career nina Kim at Gerald ngayon, walang dahilan para kabahan sila sa pagdating ng mga bagong mukha sa PBB Teen Edition 2.
Gerald Anderson, may 15 year old girlfriend?

Sa kabila ng consistent na pagde-deny ni GeraldAnderson na walang katotohanan ang sinasabing tagongrelasyon niya sa isang dalaga na nagngangalang AlyannaTan, hindi pa rin mamatay-matay ang issue tungkol dito. Kamakailan ay lumabas sa isang tabloid ang isang "openletter" ng isang "fan" na malapit na kaibigan diumano ni Gerald at ng ka-love team nitong si Kim Chiu. Ayon sa "fan," hindi na raw niya matagalan ang ginagawa ng young actor na pagsabayin sina Kim at Alyanna. Nakasaad din sa "open letter" na patuloy lang daw tinitiis ni Kim ang ginagawang ito ni Gerald dahil sa laki ng pagmamahal niya sa kapareha. Samantalang sa parte naman daw ni Alyanna ay gusto na raw naman ng 15-year-old non-showbiz girlfriend daw ni Gerald nailabas na ang kanilang relasyon. NOT TRUE. Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) last March 25 si Gerald sa presscon para sa March birthday celebrants ng Star Magic — Gerald turned 19 last March 7. Pinagtatakhan ng young actor ang lumalabas na mga balita gayong wala raw siyang nakilalang Alyanna Tan sa buong buhay niya. "Promise, wala akong kilalang Alyanna Tan na fifteenyears old", tanggi ng young actor. "Dun sa sinasabing gusto na raw niyang ibulgar ang relasyon namin,pasensiya na. Pero ang hirap magsalita kasi baka hindi naman talaga siya nag-e-exist, hindi naman talaga siya totoong tao kundi nagagamit lang ng iba. Kung fan naman siya, dapat kilala ko siya. Kung Kim-Gerald [fan]siya, magagalit sila dun kung may gumagawa na ganun sa mga kasama nila." Sa isyung nagtitiis na lang daw si Kim at pinagpapatuloy ang relasyon nilang dalawa, hindi pa rin nagbabago ang sagot ni Gerald na hindi pa umaabot ang samahan nila sa pagiging espesyal na magkaibigan. Sa isyung breakup naman, simple lang ang sagot naibinigay sa amin ng young actor, "Hindi kami puwedeng mag-break kung hindi kami, di ba? Our relationship is still the same, ganun pa rin kami. We're still closefriends, nandito pa rin ako lagi para sa kanya. Nandun pa rin siya lagi para sa akin." KIM'S DEBUT. Last April 19 ang debut ni Kim at marami ang nag-aabang kung ano kaya ang regalo ni Gerald sa kapareha. Nando'n din ang tanong ng lahat kung siGerald din kaya ang magiging last dance ng young actress sa cotillion nito. "Mayroon na akong gift sa kanya but surprise‘yon, hintayin na lang ninyo yung April 19. Tatay niya yung last dance niya, I'll give it to her dad. Mas maganda kung ako yung escort niya, na kay Kim ‘yon," saad ni Gerald. MY GIRL. Kumpirmado na ang pagtatambal muli nina Gerald at Kim sa Pinoy remake ng hit Koreanovela na My Girl. Pero maraming mga fans ni Kim at sinabi rin mismo ng young actress na gusto rin niyang makapareha dito si Sam Milby. Nagbigay ng reaksiyon si Gerald sa opinion na ito ng ka-loveteam at ng ibang mga fans. "Ganun talaga, you can't please everyone," saad niya."May mga fans na ayaw sa iyo, may mga fans na in love na in love sa iyo. Kung gusto ni Kim na maka-partner din si Sam sa My Girl, hindi ako nahe-hurt kahit kaunti. Sam is a good guy, siya nga kumanta nung ‘My Girl' [theme song] before. Sa akin kasi, kung ano ang plano ng ABS, wala akong magagawa dun. "Basta right this moment, I'm overwhelmed. Pinapanood ko na yung My Girl. Difficult siya kasi medyo matured na yung role ko dito, but I'm really excited." Nagbigay rin ng opinyon si Gerald sa bagong batch ng housemates sa Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Matatanda ang sa unang season ng naturang reality show nanggaling si Gerald at si Kim na siyang nanalo. "Nandun ako sa opening and I can say ang aastig nila, ndi ako nate-threatened or nagwo-worry because alam ko naman kami talaga ang first. Kahit na ilan paang dumating, at least we're the first edition of PBB teens", pahayag ni Gerald.
Kim Chiu and Gerald Anderson Reunites In My Girl Philippine Edition

The cast of the Tagalog version of the Koreanovela, “My Girl”, ABS-CBN’s star studded summer offering, is now complete.
Kimerald will be joined by Enchong Dee, Cathy Gonzaga, Regine Angeles, Niña Jose and newest talent, David Chua. Niña, now managed by Manny Valera and who made a splash with her sexy pictorial in FHM, is glad to be back with ABS-CBN, which discovered her in PBB Teens.
Synopsis:
Jasmine (Kim Chiu) is an impostor, proficient in Cebuano, Chinese, and Tagalog, while Julian (Gerald Anderson) is the second generation heir of a big corporation. Because of his grandfather’s illness, he is forced to ask Jasmine to act as his long-lost cousin so that his grandfather’s last wish can be fulfilled. Therefore, they are both bound in a lie so that no-one in the family knows the truth.
Julian’s intelligent ex-girlfriend, Anika who grew up in a rich family dreaming to become a world-famous beauty queen, returns to Philippines after winning a title and works hard at getting back with Julian, thus causing both she and Jasmine to have cutthroat competitions for Julian’s affection.
The series is set to premiere on May 19, 2008 replacing Maligno.
Kim Chiu, Celebrates Her 18th Birthday

Subscribe to:
Posts (Atom)